Kabanata 1- ISANG HANDAAN
Si Kapitan Tiago ay may isang salu-salo na gagawin sa kanyang bahay, at sa gabing iyon, puno ang bulwagan, at nandoon sina Padre Sibyla, Padre Damaso, Tenyente ng guardia civil, merong mga dayuhan din, at pagbanggit nila tungkol sa monopolyo at tabako ay nilabas na ni Padre Damaso ang mapanlait niyang ugali.
Kabanata 2- CRISOSTOMO IBARRA
Sina Kapitan Tiago at si Ibarra ay dumating at binati silang lahat ni Kapitan Tiago, at si Padre Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra.
Kabanata 3- SA HAPUNAN
Pumunta ang mga panauhin sa hapag-kainan at pinagsaluhan ang hapunan, at lalong humanga ang mga bisita nang malaman nila na halos nalibot na ng binata ang buong Europa at makapagsalita ng iba't ibang wika; kaya humatong sa pag-iinsulto si Padre Damaso sa binata.
Kabanata 4- EREHE AT SUBERSIBO
Nakaramdam ng matinding sakit at sama ng loob si Crisostomo Ibarra nang malaman niya mula kay Tenyente Guevarra ang tunay na dahilan ng pagpananw ng kanyang ama, Hinuli at ikinulong ng pulisya ang kanyang ama pagkatapos nitong ipagtanggol ang batang lalaking pinukol dahil tumama sa ulo ng artilyerong kastila ang bato at nagsimulang maglabasan ang mga kasinungalingan laban sa ama ni Crisostomo Ibarra na humantong upang akusahan siya bilang erehe at subersibo.
Kabanata 5- BITUIN SA KARIMLAN
Wala sa sariling tumungo si Crisostomo Ibarra matapos ang kanilang pag-uusap ni Tenyente Guevarra sa Hotel Lala, at patuloy na naglaro sa isipan ni Ibarra ang malupit at malungkot na kapalaran na sinapit ng kanyang ama.
Kabanata 6- SI KAPITAN TIAGO
Si Kapitan Tiago ay nagpa-alila sa isang prayle upang turuan siya dahil hindi siya pinayagan ng kanyang ama na mag ari ng isang pagawaan ng asukal, dito ikinuwento ang kanyang buhay.
Kabanata 7- SUYUAN SA BALKONAHE
Nag-usap si Ibarra at si Maria Clara sa astoteam at doon inalala ang kanilang mga nakaroon, ang liham na ibinigay ni Crisostomo kay Maria Clara at ang dahon ng sambona na kanilang pinaghahawakan.
Kabanata 8- MGA ALAALA
Di pa man ganap na natatapos ang pag-uusap ng magkasintahan ay agad na iniwan ni Crisostomo Ibarra ang dalaga dahil bigla niyang naalalang kailangan niyang umuwi sa kanyang bayan.
Kabanata 9- IBA'T IBANG PANGYAYARI
Nang papaalis na sina Maria Clara at ang kanyang Tiya Isabel upang kunin nila ang mga gamit ng dalaga sa Beaterio,ay siyang dating naman ni Padre Damaso.
Kabanata 10- ANG SAN DIEGO
Inilarawan sa kabanatang ito ang San Diego, Ito ay isang karaniwang bayang nagtataglay ng malaking sakahan sa Pilipinas na matatagpuan sa baybayin ng isang lawa, Taglay ng bayang ito ang isang alamat kung paano ito nagsimula at bahagi nito ang kuwentong may kinalaman sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.
Kabanata 11- ANG MGA MAKAPANGYARIHAN
Sa kalagayang panlipunan ng San Diego, dalawa ang kinikilalang makapangyarihan sa bayang ito, una ang Kurang kumakatawan sa kapangyarihan ng simbahan at ang Aleperes na kumakatawan naman sa kapangyarihan ng pamahalaan.
Kabanata 12- TODOS LOS SANTOS
May mga taong naghahanap ng puntod ng kanilang mahal sa buhay, may nakaluhod, at kabi-kabila ay maririnig ang ingay ng mga nagdarasal.
Kabanata 13- HUDYAT NG UNOS
Sakay ng karwahe ay dumating sa sementeryo ng San Diego si Crisostomo Ibarra kasunod ang isang matandang utusan at marahan nilang binagtas ang lugar na kinalalagyan ng puntod ni Don Rafael Ibarra ngunit gayon na lamang pagkagulat nang matuklasan nilang wala na rito ang labi ng kanyang ama.
Kabanata 14- BALIW O PILOSOPO?
Isang araw bagama't masama ang panahon ay mapapansing masayang-masaya si Pilosopong Tasyo dahil ayon sa kanya ay mayroon siyang hinihintay na walang iba kundi ang pagdating ng malakas na unos.
Kabanata 15- ANG MGA SAKRISTAN
Habang nagsasalimbayan at dumadagundong ang mga kulog ay naroon sa kampanaryo ng kumbento ang magkapatid na sakristang humihila ng kampana rito, Sila ay sina Basilio at Crispin na pinagbintangang mga magnanakaw na naging sanhi upang sila'y di pahintulutang makauwi sa kanilang tahanan.
Kabanata 16- SI SISA
Mababakas sa sa mukha ni Sisa ang angking kagandahan bagama't makikita sa kanyang kaanyuang siya ay nagdaranas ng matinding kahirapan dala ng kasalatan at pagtitiis sa kamay ng kanyang malupit na asawa.
Kabanata 17- SI BASILIO
Labis na natakot at nangamba si Sisa nang makita niyang duguan at nag-iisang umuwi ang kanyang anak na si Basilio na tumakas mula sa kumbento.
Kabanata 18- NAGDURUSANG KALULUWA
Dahil sa labis na pag-aalala sa bunsong anak, maagang gumising at naghanda si Sisa sa pagtungo sa kumbento bitbit ang mga sariwang gulay para sa kura, buo ang pag-asang makikitang nasa maayos na kalagayan ang anak.
Kabanata 19- KARANASAN NG ISANG GURO
Upang maibsan ang sakit at sama ng loob na nararanasan ng guro ay nangako si Ibarrang tutulungan niya ito sa pamamagitan ng pulong tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tenyente mayor.
Kabanata 20- PULONG NG BAYAN
Dahil sa nalalapit na ang pista ng San Diego ay isang pulong pambayan ang ginanap sa bulwagan ng tribunal at ito ay dinaluhan ng mga lider ng bayang nahahati sa dalawang lapian.
Kabanata 21- KUWENTO NG ISANG INA
Takot na takot si Sisa nang makita niya ang mga guardia civil sa kanilang munting dampa at pilit na ipinalalabas sa kanya ang kanyang dalawang anak na pinagbibintangang tumakas at nagnakaw ng pera sa kumbento.
Kabanata 22- DILIM AT LIWANAG
Abala na ang mga tao sa San Diego sa paghahanda para sa nalalapit na pistang-bayan, Sa pag-uusap ni Ibarra at Maria Clara ay nakikiusap ang dalaga sa binata na huwag imbitahan sa gagawing pagsasalo sa gubat si Padre Salvi dahil sa napapansin niyang kakaibang kilos nito para sa kanya bagay na hindi naman pinagbigyan ng binata.
Kabanata 23- PANGINGISDA
Kinabukasan ay maagang gumising ang kabinataan at kadalagahan kasama ang ilang magulang sa paglalakad patungong lawa dala ang mga pananglaw.
Kabanata 24- SA GUBAT
Idanaos sa gubat malapit sa batis ang isang salusalo o pagtitipong inihanda ni Crisostomo Ibarra.
Kabanata 25- SA BAHAY NG PANTAS
Ang unang payong ibinigay ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra tungkol sa kanyang planong pagpapatayo ng paaralan ay ang huwag siyang humingi ng payo sa matanda dahil tiyak na siya ay pag-iisipan ng mga tao na isa ring baliw, Ipinaliwanag ng matanda ang maraming bagay na dapat niyang isaalang-alang bago niya ganap na isakatuparan ang kanyang plano sapagkat batid ng matanda ang sistemang naghahari sa kanilang bayang San Diego na ang ganap na kapangyarihan ay hawak ng Simbahan.
Kabanata 26- BISPERAS NG KAPISTAHAN
Sa gitna ng kaabalahang ito ay patuloy naman sa pagtatrabaho ang mga manggagawang gumagawa ng pundasyon ng itatayong panulukang bato ng paaralang ipinatatayo ni Ibarra.
Kabanata 27- KINAGABIHAN
Lubhang marangya ang paghahanda na ginagawa ni Kapitan Tiago dahil sa kanyang pagnanais na mahigitan ang handa ng mayayamang pamilya sa kanilang lugar at gayundin upang mapasaya si Maria Clara at ang kanyang mamanuganging si Ibarra na laging paksa ng lahat ng usapan sa kanilang lugar.
Kabanata 28- MGA SULAT
Sa pamamagitan ng mga sulat ay inilarawan ni Jose Rizal ang mga pangyayari sa bisperas ng kapistahan ng San Diego.
Kabanata 29- ANG ARAW NG PISTA
Sa mismong araw ng pista, halos karamihan ng mga mamamayan ay nakasuot ng pinakamahusay nilang damit, magagandang alahas, at mga sombrero, Umaga pa lamang ay punumpuno ng mga tao ang simbahan.
Kabanata 30- SA SIMBAHAN
Sa loob ng simbahan ay nagsisiksikan at nagtutulakan ang mga mamamayan ng San Diego habang hinihintay ang sermon ng paring binayaran ng dalawang daan at limampung piso.
Kabanata 31- ANG SERMON
Lubhang tahimik sa loob ng simbahan habang nagsesermon si Padre Damaso, Mapapansin ang taimtim na pakikinig ng mga tao sa kanyang sermon na sa simula pa lamang ay nagpahanga na sa mga paring nagbigay ng unang sermon.
Kabanata 32- ANG PAGHUGOS
Dumating ang araw ng seremonya ng panghugos para sa paaralang nais ipatayo ni Ibarra, Naging usap-usapan at pinapurihan ng mga tao ang makinang gagamitin sa panghugos dahil sa mahusay at mukhang matibay na pagkakagawa nito.
Kabanata 33- MALAYANG ISIPAN
Pinuntahan ni Elias si Ibarra sa kanyang tahanan, Binigyan muli ng babala ni Elias si Ibarra laban sa mga lihim nitong kaaway.
Kabanata 34- PANANGHALIAN
Masayang nagkatipon sa isang masaganang pananghalian ang ilang kilalang tao sa San Diego.
Kabanata 35- REAKSIYON
Ang nasabing pangyayari ay mabilis na kumalat sa bayan at umani ng iba't ibang reaksiyon.
Kabanata 36- UNANG MGA EPEKTO
Bunga ng pangyayaring naganap sa pagitan nina Padre Damaso at Ibarra ay unang naapektuhan ang mag-amang Kapitan Tiago at Maria Clara.
Kabanata 37- ANG KAPITAN-HENERAL
Dumating na ang kapitan-heneral sa bayan ng San Diego, Halos lahat ng mga pinuno ng bayan at maging ng simbahan ay dumalaw sa kanyang tanggapan upang magbigay-galang.
Kabanata 38- ANG PRUSISYON
Nang sumapit ang gabi ay inilabas na ang pang-apat na prusisyon, maraming kilalang tao ang nanood at nakisama rito.
Kabanata 39- SI DONYA CONSOLACION
Samantala habang abala ang marami sa pakikipagsaya sa pista, si Donya Consolacion ay nakakulong sa kanyang Bahay.
Kabanata 40- KARAPATAN AT KAPANGYARIHAN
Huling gabi ng pista, napuno ng tao ang plasa upang manood ng dula, si Don Filipo ang namahala sa pagdiriwang.
Kabanata 41- DALAWANG PANAUHIN
Samantala nang makauwi sa bahay si Ibarra ay halos hindi siya dalawin ng antok, Iniisip niya ang kaguluhang nangyari kaya't minabuti niyang gumawa na lamang sa kanyang aklatan.
Kabanata 42- ANG MAG-ASAWANG DE ESPADAÑA
Madarama mo ang lungkot ng mga tao sa bahay ni Kapitan Tiago habang hinihintay nila ang doktor na titingin kay Maria Clara, si Dr. Tiburcio de Espadana, ang asawa ni Donya Victorina.
Kabanata 43- MGA BALAK
Si Padre Damaso ay labis na nabalisa sa pagkakasakit ni Maria Clara, Naibsan panandalian ang kanyang pagkabalisa nang ipakilala sa kanya ni Donya Victorina si Alfonso Linares, ang inaanak ng bayaw ni Padre Damaso.
Kabanata 44- ANG PANGUNGUMPISAL
Nag-usap-usap ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiago upang lubusang gumaling ang dalaga, magkaiba ang opinyon ni Padre Salvi at Donya Victorina, ngunit sa huli ang hatol ng kura ang nanaig-mangongomunyon ang dalaga.
Kabanata 45- ANG MGA API
Hinanap ni Elias sa gitna ng kabundukan ang isang matandang lalaking tumulong sa kanya ilang buwan na ang nakalilipas.
Kabanata 46- ANG SABUNGAN
Dito ipinakikikta ang iba't ibang uri ng tao sa sabungan, ang iba't ibang dahilan ng kanilang pagpunta sa lugar na ito, at ang kanilang ginagawa pagkatapos ng kanilang pagkatalo.
Kabanata 47- ANG DALAWANG DONYA
Ang paghaharap ng dalawang donya ay bunga ng mababang tingin ni Donya Victorina kay Donya Consolacion at mataas na pagpapahalaga ng una sa kanyang sarili.
Kabanata 48- ISANG TALINGHAGA
Sa araling ito ay matutunghayan mo ang pagbabalik ni Ibarra dala ang balitang pinatawad siya ng arsobispo sa pagiging ekskomulgado.
Kabanata 49- TAGAPAGBALITA NG MGA API
Nakipagtipan si Ibarra kay Elias upang pakinggan kung ano ang talagang pakay nito, Sinabi ni Elias kay Ibarra ang mga hinaing ng mga maghihi-magsik.
Kabanata 50- ANG KASAYSAYAN NI ELIAS
Mahahabag ka sa paglalahad ni Elias ng kasaysayan ng kanyang angkan.
Kabanata 51- ANG MGA PAGBABAGO
Naging balisa si Linares dahil sa matinding pagbabanta ni Donya Victorina, sa ganitong kalagayan, pumasok sa eksena sina Padre Salvi, Kapitan Tiago, Maria Clara, at maging si Ibarra.
Kabanata 52- ANG MAPALAD NA BARAHA
May mga lalaking nagtago sa sementeryo upang pag-usapan ang isang balak, bagama't walang kamalay-malay si Ibarra sa balak na ito ay napipintong madamay siya dahil pagsigaw ng isang hudyat na nagsasaad ng kanyang pangalan, ang "Mabuhay si Don Crisostomo" kapag isinagawa ang balak.
Kabanata 53- IPINAKILALA NG UMAGA ANG MAGANDANG ARAW
Kinabukasan pagkatapos ng pagtatagpo nina Elias at Lucas ay naging usap-usapan sa bayan ang nakitang ilaw sa sementeryo nang nagdaang gabi.
Kabanata 54- ANG SABWATAN
Mapapansing kakaiba ang ikinilos ni Padre Salvi nang araw na iyon, humangos siya patungo sa bahay ng komandante upang ibalita ang natuklasan niyang sabwatan.
Kabanata 55- ANG KAPAHAMAKANG BUNGA NG PAGSASABWATAN
Sa kabanatang ito, magaganap ang isang kapahamakang bunga ng pagsasabwatan, lulusubin ang kuwartel at ang pagbibintangang may pakana ng lahat ay si Crisostomo Ibarra.
Kabanata 56- ANG MGA SABI-SABI
Kinabukasan, takot ang namayani sa buong bayan dahil sa kaguluhang naganap nang nagdaang gabi, iba't ibang sabi-sabi mula sa mga taumbayan ang naglabasan tungkol sa paglusob sa kuwartel.
Kabanata 57- SILANG MGA NALUPIG
Sa araling ito'y makikita ang labis na parusa at kalupitan sa kalalakihang nahuling lumusob sa kuwartel, nakakulong sila sa isang silid na napakadilim at nakasusulasok ang amoy.
Kabanata 58- SIYA NA DAPAT SISISHIN
Agad kumalat sa bayan ang balitang ililipat ng kulungan ang mga bilanggo kaya't ang mga kamag-anak ng mga bilanggo ay nagpalipatlipat sa kumbento, sa kuwartel, at sa munisipyo nang nananangis habang nagmamakaawa at umaasang mapipigilan ang paglipat.
Kabanata 59- PAGKAMAKABAYAN AT KAPAKANANG PANSARILI
Nalaman na sa Maynila ang paglusob na nangyari sa bayan ng San Diego at nalathala ito sa mga pahayagan bagama't iba't ibang bersiyon at kinatay na sa sensor ang mga lumabas na balitang may kalakip na pagbabanta na labis na ikinatakot ng mga Pilipinong nakabasa.
Kabanata 60- ANG KASAL NI MARIA CLARA
Masayang-masaya si Kapitan Tiago sapagkat sa kabila ng naging kaugnayan niya at ng kanyang pamilya kay Ibarra ay hindi siya nadakip o naikulong si tulad ng sinapit ng ilan niyang mga kakilalang gaya ni Kapitan Tinong na umuwing maysakit pagkatapos ng ilang araw na "pagbabakasyon" sa gusali ng pamahalaan.
Kabanata 61- TUGISAN SA LAWA
Ayaw ni Elias na gumamit ng marahas na paraan habang may makikita pa siyang kaunting pag-asa sa tao samantalang si Ibarra ay namulat na saa nakasusuklam na kanser na ngumangatngat sa lipunan, nananalasa sa bayan, kaya't kailangang sugpuin maging sa marahas na paraan.
Kabanata 62- NAGPALIWANAG SI PADRE DAMASO
Sinabi ni Padre Damaso na iniisip lang niya ang kinabukasan ni Maria Clara at ayaw niyang makita itong namimighati dahil sa pagpapaksal sa isang Pilipino at maging isang sawimpalad na ina, subalit pinandigan ni Maria ang kagustuhang umurong sa kasal at magmongha kung hindi, siya ay magpapatiwakal.
Kabanata 63- NOCHE BUENA
Sa pagkakita ni Sisa sa duguang anak ay nagbalik ang katinuan ni Sisa at pinaghahagkan ang anak subalit iyon na pala ang huling pag-uulayaw ng mag-ina sapagkat nang magising si Basilio ay patay na ang ina at Isang di kilalang lalaking sugatan at malapit na ring mamatay ang nakita ni niya at naghabilin ng gagawin sa kanyang bangkay at sa bangkay ng ina kapag siya'y namatay.
Kabanata 64- ANG KATAPUSAN NG NOLI ME TANGERE
Sa pagwawakas ng nobela, ang lahat halos ng tauhan ay naiwang sawimpalad maliban sa alperes na nakabalik sa Espanya at tumaas ang ranggo at kay Padre Salvi na nagkaroon ng bagong posisyon at si Padre Damaso ay labis na nagdamdam sa utos ng kataas-taasang reberendona ilipat siya sa isang parokya sa napakalayong lalawigan kaya't kinabukasan siya ay natagpuang patay, Si Kapitan Tiago ay nalulong sa baraha, sabong at paghitit ng opium, Si Linares ay namatay dahil sa disenterya, at ang kaawang si Maria Clara ay napabalitang patay na subalit ang mga balitang tulad nito patungkol sa kanya ay hindi nakompirma.
Ok
ReplyDeletetebnks
ReplyDelete