Saturday, 30 June 2018

SOLUSYON SA PAGHINTO NG DOMESTIC VIOLENCE

✋⤥Paano Ihinto ang Domestic Violence⤦✋


ᐅAng domestic violence ay karahasan na nangyayari sa tahanan. Ito ay kriminal.
Ito ay paulit-ulit na pagmamalabis sa pamamagitan ng masakit na salita, bugbog sa katawan, pagbigay ng sakit ng damdamin at pagiisip, panliliit sa sarili, pagbanta, pananakot, at matinding pagbawal sa paggasta o paghawak ng pera.
Ang taong gumagawa nito ay maaring kapwa-pamilya o sino mang ka-bahay, kapwa-puso, o ka-date.ᐊ

  


♦Kung ikaw ay nakaranas na ng Domestic Violnce,Huwag kang mawalan ng pag-asa, dahil meron kapang magagawa para ma hinto ito. Ang sumusunod ay nagpapakita kung papaano mo ma  sosolusyonan ang Domestic Violence.♦

 



Una, kung  ikaw ay kinokontrol niya sa maling paraan, huwag mong ipapakita na ikaw ay mahina. Dahil kung Ipapakita mo na ikaw ay mahina, aabusuhin ka lang niya lalo.

Pangalawa, Dapat ang mag-asawa ay kailangang magkaunawaan para walang gulong mangayayari, at para walang masaktan.

Pangatlo, Dapat ang mga Babae ay matutunan nila maging "Independent".  Para naman, hindi palagi umaasa ang mga Babae sa asawa nila. At kung merong nangyari sa trabo o puhunan ng asawa nila, hindi sila pareho magkakaproblema, dahil ang babae ay may sariling magagawa..

Isa kasi sa mga dahilan ng Domestic Violence, ay ang Paghihirap ng mag-asawa. Dahil sa mga problema nila ay wala na silang ibang magawa, kaya mag-aaway sila at sa huli magkakasakitan sila..

Pang apat, kung ikaw ay sinasaktan ng iyong asawa o kinakasama mo, Pangalagaan ang anumang ebidensiya. Kuhanan ng larawan ang mga sugat o bugbog sa katawan, humingi at magtago ng kopya ng report ng pulis at manggagamot..


~✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋✋~


(ISA LANG ANG  MGA ITO SA MGA HALIMBAWA KUNG PAANO  MATIGIL ANG DOMESTIC VIOLENCE.)


NASA MGA KAMAY NINYO ANG INYONG KAPALARAN SA MGA SUMUSUNOD NA ARAW.

 NASA INYO NA RIN KUNG HAHAYAAN NIYO LANG NA APIHIN KAYO NG KINAKASAMA NIYO SA BUHAY.

SA MGA NAAPI, HUWAG KAYONG MATAKOT NA MAGSALITA AT MAG SUMBONG SA MGA AUTORIDAD.